Movie Review: Ang Babae Sa Septic Tank 2 #ForeverIsNotEnough *Spoilers Alert!*

ang-babae-sa-septic-tank-2
Paano ba gumawa ng pelikula?

Gaya ng sinabi ko sa aking post sa Instagram, medyo nag-alangan ako na manuod nito dahil hindi ko pa nakikita ang naunang pelikula. Alam ko lang na indie film ang Ang Babae Sa Septic Tank at pinagbibidahan ito ni Eugene Domingo. Ganun pa rin ang istorya ng sequel ngunit sikat na aktres na ang ating bida at kinukuha uli ng direktor (Kean Cipriano) upang gumawa ng bagong proyekto. Medyo kakaiba ang paraan ng pagpapatawa dito pero nag-enjoy ako pagkatapos at pumalakpak kami ng mga kasama ko habang umaandar ang end credits. Umasa ako na magaganda ang mga palabas ngayong Metro Manila Film Festival dahil pinili ng isang selection committee ang mga ito – walong de-kalidad na mga pelikula sa lahat ng nagpasa. Ngayon, hindi ako nagtataka kung bakit napabilang ito sa Magic 8. Hindi lang siya nakakatawa, nakakakiliti din siya ng utak.

Kahit si Eugene ang bida, ang sentro ng kuwento ay si Direk. Hinango niya ang script ng The Itinerary sa kanyang personal na buhay. Malalim ang hugot ng direktor dahil matindi ang pinagdadaanan nila ng kanyang asawa. Ang issue ay wala siyang oras para sa kanyang pamilya kaya gusto niyang gumawa ng pelikula para makabawi. Parang malabo pero ito’y sumasalamin sa buhay ng maraming tao ngayon. Imbes na maghanap ng sagot sa problema ay ibabaling na lang ang atensiyon sa ibang bagay at babawi na lang sa ibang paraan. Ang ganda ng sinabi ni Eugene kay Direk nang patapos na ang palabas, ‘If you have a problem with your marriage, Direk, you don’t make a movie. You talk to a marriage counselor.’ (non-verbatim) Tinatawag ang behavior na ito na escapism.

Iba naman ang topak ng artista. Ang dami niyang suggestions para pumatok ang pelikula sa maraming tao subalit salungat ito sa gustong mangyari ng direktor. Tulad ni Eugene, may mga tao namang maarte. Gusto nilang umayon sa kanilang kagustuhan ang mga bagay-bagay. Sino nga ba naman ang mag-a-adjust di ba? Star complex naman ang tawag dito.

Habang tumatawa ay napapaisip din tayo patungkol sa sarili nating buhay. Si Direk ay iniwan nang tuluyan ng kanyang asawa. Si Eugene ay nasunod lahat ng kanyang kagustuhan pero, forgive me for the lack of a better expression, ‘everything went to shit.’ Lahat tayo ay may pinagdadaanan at depende sa attitude natin sa buhay ang mangyayari sa atin. Sa totoo lang, marami ka pang mapipiga sa lahat ng nangyari sa palabas pero ito ang pinakatumatak sa akin.

Isang malaking saludo ang nais kong iparating sa lahat ng bumubuo ng Ang Babae Sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough. Hindi ko alam kung tatangkilikin ito ng mga manunuod kahit na wala ang Enteng Kabisote, Shake, Rattle & Roll, at si Vice Ganda. Ngunit hindi naman siguro nila priority ang kumita dahil mas importante para sa cast at production team ang magpasaya at pumukaw ng mga isip at damdamin. Dahil dito, gusto kong bigyan ang pelikulang ito ng 4.5 out of 5 stars.

Advertisements

2 Comments Add yours

  1. Anne says:

    Hindi ko to binasa kase di ko pa napapanuod. Bilang napanuod ko na kanina, I agree with what you’ve said. Ang nakuha ko kay eugene sometimes dun tayo sa tatangkilikin ng tao, ung papatok, ubg kikita. Kahit na andaming nakuhang awards nung movie, sabi nya nga pagdating sa pinas “walang-wala” din nanuod. Nowadays, ang mga tao masyadong concerned sa “likes” at affirmations.

    Oh well, andami ko sinabi. Abangers ako sa mga movie reviews mo eh. Isa ang blog na ito sa chinecheck ko if worth panuorin ang mga pelikula, mapa-foreign or local man. 🙂

    Godbless, EJ!

    1. ejdelosreyes says:

      Thank you for your support. It means so much. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s